Si Office Boy Tutoy..

16 03 2011

Si Tutoy..


Nagbabalik po ulet si tutoy.

Tutoy na busy.. busy-han…

Maraming pinagkaabalahan..
pero habang abala sya sa mga pinaggagagawa nya.
Hindi nya malilimutan ma i-share ang isa sa mga kwentong nyang ito.

Minsan nagmamadali na pumasok sa office si tutoy..

Napadaan sya sa bangketa.

Nagmamadali yan.
Papasok yan sa Office, sa pormang yan ni Tutoy talaga nga namang makakabangga ng kahit sino yan. šŸ˜€

 

At sa kakamadali nya hindi nya napansin nasanggi niya yung bulag na pulubi na nanghihingi ng limos sa bangketa. (hayyy, clumsy talaga.)

Hayy, eto yung pulubing nabangga ni Tutoy kakamadali.

Nagkalat sa daan yung kaunting barya na nasa basong plastic na hawak ng bulag na pulubi.
Kitang-kita ni tutoy na nagmamadaling kinakapa ng pulubi yung mga natapon na mga barya.

Agad siyang bumalik sa pulubi upang tulungan pulutin ang mga baryang nagkalat sa daan habang nanghihingi ng pasensya.
Pagkatapos pulutin ibinigay ni tutoy yung mga barya sa pulubi.

Sabi ng Bulag na pulubi: “Ikaw si HESUS, IKAW NGA, SALAMAT PO SAYO HESUS!”

At tumangging nagulat si Tutoy: “Hindi po ako si Hesus.. Hindi po.”

Sabi naman ng pulubi: “Ikaw nga talaga si HESUS.. Ikaw nga.”

Tutoy: “Paanu nyo naman po nasabi? Hindi nyo naman po ako nakikita.”

Pulubi: “Kanina habang kinakapa ko yung mga natapon na barya.. Nagdasal ako…”
“Dasal ko na ‘HESUS tulungan nyo po akong pulutin ang mga natapon kong barya sa daan.’ “

Minsan sa buhay naten..
Hindi naten namamalayan na nakakagawa na pala tayo ng mabuti sa ating kapwa kahit sa maliit na paraan.
Dahil sa maliit na mabuting paraan na yun.. Nakikita sa atin mismo si HESUS.

Katulad ni St. Francis of Assisi, Mirror of Christ.
Noon panahon nya, lakad sya ng lakad..
At sa kakalakad nya inaabangan sya ng mga tao.
Minsan natatawag na syang HESUS.
Dahil nakikita na sa kanya si Hesus, dahil sa mga kabutihan nya.

Magandang Halimbawa ngayong Lenten Season ang kasimplehan ni St.Francis of Assisi.

This Lent, remember the 40-day sacrifice of our Lord Jesus Christ.
Turn away from sin and be reconciled to God, through the Sacrament of Reconciliation.

Mangumpisal na. Walang lumapit na tinalikuran at itinakwil Niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Brought to you by: Ā https://www.facebook.com/KatolikongPinoy

Sama-sama parin tayong naglalakbay nagdarasal habang nagkekwentuhan papalapit kay Hesus.:D


Advertisements

Actions

Information

4 responses

8 05 2011
Whang

nice! napangiti ako, at napa-“oo nga no? tama!” ^_^
thanks for the inspiration tutoy

9 05 2011
tutoy

Thanks a lot sis for dropping by.. ^_-

6 12 2011
Diwangtanglaw

Kainaman. Walang malaki o maliit na kabutihan basta puso ang gumawa ng paraan. Dahil hindi kayang sukatin ng kahit na ano pa man ang kasiyahang hatid ng mabuting kalooban.

Isang Inspirasyon.

6 12 2011
tutoy

thanks alot for drop by diwangtanglaw sa aking munting tambayan.. unang basa ko diwatang tanglaw. šŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: