Si Office Boy Tutoy..

16 03 2011

Si Tutoy..


Nagbabalik po ulet si tutoy.

Tutoy na busy.. busy-han…

Maraming pinagkaabalahan..
pero habang abala sya sa mga pinaggagagawa nya.
Hindi nya malilimutan ma i-share ang isa sa mga kwentong nyang ito.

Minsan nagmamadali na pumasok sa office si tutoy..

Napadaan sya sa bangketa.

Nagmamadali yan.
Papasok yan sa Office, sa pormang yan ni Tutoy talaga nga namang makakabangga ng kahit sino yan. :D

 

At sa kakamadali nya hindi nya napansin nasanggi niya yung bulag na pulubi na nanghihingi ng limos sa bangketa. (hayyy, clumsy talaga.)

Hayy, eto yung pulubing nabangga ni Tutoy kakamadali.

Nagkalat sa daan yung kaunting barya na nasa basong plastic na hawak ng bulag na pulubi.
Kitang-kita ni tutoy na nagmamadaling kinakapa ng pulubi yung mga natapon na mga barya.

Agad siyang bumalik sa pulubi upang tulungan pulutin ang mga baryang nagkalat sa daan habang nanghihingi ng pasensya.
Pagkatapos pulutin ibinigay ni tutoy yung mga barya sa pulubi.

Sabi ng Bulag na pulubi: “Ikaw si HESUS, IKAW NGA, SALAMAT PO SAYO HESUS!”

At tumangging nagulat si Tutoy: “Hindi po ako si Hesus.. Hindi po.”

Sabi naman ng pulubi: “Ikaw nga talaga si HESUS.. Ikaw nga.”

Tutoy: “Paanu nyo naman po nasabi? Hindi nyo naman po ako nakikita.”

Pulubi: “Kanina habang kinakapa ko yung mga natapon na barya.. Nagdasal ako…”
“Dasal ko na ‘HESUS tulungan nyo po akong pulutin ang mga natapon kong barya sa daan.’ “

Minsan sa buhay naten..
Hindi naten namamalayan na nakakagawa na pala tayo ng mabuti sa ating kapwa kahit sa maliit na paraan.
Dahil sa maliit na mabuting paraan na yun.. Nakikita sa atin mismo si HESUS.

Katulad ni St. Francis of Assisi, Mirror of Christ.
Noon panahon nya, lakad sya ng lakad..
At sa kakalakad nya inaabangan sya ng mga tao.
Minsan natatawag na syang HESUS.
Dahil nakikita na sa kanya si Hesus, dahil sa mga kabutihan nya.

Magandang Halimbawa ngayong Lenten Season ang kasimplehan ni St.Francis of Assisi.

This Lent, remember the 40-day sacrifice of our Lord Jesus Christ.
Turn away from sin and be reconciled to God, through the Sacrament of Reconciliation.

Mangumpisal na. Walang lumapit na tinalikuran at itinakwil Niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Brought to you by:  https://www.facebook.com/KatolikongPinoy

Sama-sama parin tayong naglalakbay nagdarasal habang nagkekwentuhan papalapit kay Hesus.:D






Nice Tutoy! Dyan kana pala. (^_^)

21 02 2011

at St.Pio Chapel in Libis

After how many months na wala akong internet and me mga pinagkakaabalahan…
Eto na naman ulet ako nagbabalik sa Blog World.
May dalang kwentong kapupulutan ng aral.
Marami akong kwento na mga nakalap at napulot sa tabi tabi.
Magkwentuhan ulet tayo.

Wait lang huh… magkwento nako. (^_^)





after holyweek..

11 05 2010

after holyweek back to normal life.. (baket? abnormal life ba yung holyweek mo.)

hayy late post kasi na bz…

well pasok ulet sa office.
sunday mass, then every saturday may block rosary kami inaakayat sa iba ibang bahay.
then every wednesday attend ulet nang Bible Sharing kung san namen inakyat si Mama Mary..

Bible Sharing namen me naglife sharing..
kakatuwa kasi meron ka na namang makakalap na bagong inspirational stories..

Syempre si Tutoy naman ay nagshare. :)

nashare po ni tutoy yung narinig nyang kwento nung Lenten Recollection.

Tungkol sa Pari at Batang me sakit.
Minsan nagkasakit yung Pari, tawagin n lang naten syang Fr.Ben..
So.. nagpunta sya ng ospital para magpagamot natatakot sya kasi baka biglain na lang sya ng sakit nya..
siguro dala ng Pagod, Over Fatigue, or Stress ang naging cause..

at nang nasa ospital na sya.. me ipinakilala kay Father ang nurse na isang bata.

Tawagin na lang naten sya sa pangalang Tutoy. :)
Si Tutoy ay ang nabubulok na ang kaliwang mata dahil sa sakit nyang leukemia.

Nurse : Fr.Ben meet tutoy.
 and Tutoy this is Fr.Ben..

sumagot si tutoy na nakangiti.

Tutoy :Hello Father, Kumusta ka napo?
nashocks si Fr.Ben dahil si tutoy pa ang me ganang mangamusta sa kabila ng kalagayan nya.

Nagkwentuhan at naglaro sila buong maghapon na di namamalayan ni Fr.Ben na me sakit pala sya.

Nagkwentuhan sila ng di man lang nababangit ni Tutoy yung kalagayan nya at Hindi rin naitanung ni Father.

At after nilang maglaro magkwentuhan dahil pauwi na si Father..

sabi ni tutoy kay father..
Tutoy : You know Father.. I will meet Jesus in 4months and im so excited. (w/smile)
Shocking si Padre.. naisip nya sakit nya na nakaramdam sya ng takot..
samantalang itong batang ito.. excited pang makita si Hesus.

after nilang magpaalam sa isa’t isa.. humingi pa ng prayer si padre kay tutoy.

umalis ng ospital si padre.. at na feel nyang na-heal sya dahil kay tutoy.

after 4months nawala nga si tutoy.

alam ni Padre na magkasama na sila ni Hesus sa langit kaya sya nanghingi ng prayer kay Tutoy.

Ipagparay nya na palakasin pa lalo at pagibayuhin ang pananampalataya ni Padre.

minsan natatakot tayong harapin ang kamatayan..

ang buhay naten dito sa lupa simula lamang iyan ng ating paglalakbay papalapit kay Hesus.
naalala ko lang sinabi saken ni nanay nung a week before sya lumisan sa mundo..

“Hindi habambuhay magkakasama tayo kelangan maging handa kana sa lahat. “

Happy Birthday NANAY, ikaw nagpakilala sa akin kay Jesus simula pa lang. :’(

“For whoever wishes to save his life will lose it; but whoever loses his life for My sake will find it.” -Matthew 16:25





how’s your holyweek?

6 04 2010

Holyweek
Ok, nakapagpahinga, nagrelax, nagdasal, nagsolitude umaten ng Lenten recollection at Seven Last Words.
hmm… nagikot-ikot magisa..

At isa sa mga nakalap kong kwento nung holy week is about an Atheist Boy.

According to google dictionary: Atheism is a lack of belief in a god or gods.

Sabi nya sa sarili nya: hindi ako maniniwala kay Jesus ang Diyos kung di ko sya makikita o makakaharap ng personal.
kelangan face to face.. “To SEE IS TO BELIEVE” peryod!..

Tawagin na lang naten sya sa pangalang Tutoy. :)

Dahil sa kasagsagan ni Ondoy maraming nasalanta..
nasama si tutoy sa isang community dahil sa kaibigan nya at  namimigay ng mga relief goods sa mga nasalanta..
800 katao ang bibigyan nila pero 600 lang ang naprepare nilang food.

Tinuloy nila ang pamimigay at nung naubos na yung food na ipinamimigay nila..
merong dumating at pumila na bata na may kadungisan..siguro 7yrs old yung bata at nanghihingi rin ng pagkain..

Nasabi na lang ni tutoy dun sa bata.. “pasensya kana kuya at wala ng natirang pagkain kundi saging na lang na isa.”

“Ok napo yun kuya gutom na gutom napo kasi kami ehh..  SALAMAT PO!!!”  sabi ng bata. at umalis dala ang saging papunta sa likod ng kapilya.

Na curious si tutoy bakit “kami” ang sinabi nya samantalang isa lang sya, kaya sinundan nya yung bata.. at pinagmasdan.
ang ginawa nung bata.. at nakita nya..

nag-antanda ng krus at hinati sa tatlo yung saging at ibinigay sa tatlo nyang kapatid na maliliit..
at ang kinain na lamang nung batang nanghingi at naghati ng saging yung balat sa loob ng saging na kinakaskas na lamang sa ngipin nya.
habang tuwang-tuwa at masayang nakikipagkwentuhan sa mga kapatid.
nung nakita ni tutoy yung pangyayaring yun..

Hindi napigilang tumulo ang luha at nagsalita..

“SALAMAT SAYO PANGINONG HESUS AT NAGPAKITA KA SA AKIN NANG HARAPAN NG PERSONAL.”

nakita ni Tutoy si Hesus sa pamamagitan ng bata na yun.. na handang ibigay ang buhay at handang gawin ang lahat kahit ang kumain ng balat nang saging..
alang-alang sa mga kapatid at kaibigan nya.

John 3:16
For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth on him should not perish, but have eternal life.



Jesus said: “blessed are they that have not seen, and yet have believed

Believe it and you will see it! HAPPY EASTER! :)





John 3:16

19 03 2010

After ng mga lifestory ni tutoy.:)

Tamang-tama Lenten season.. me share ako sa inyong movie clip.. I know makakarelate po kayo.
napakaganda, kasi naiyak lang ako..

Eto yung isa sa mga kinukuwento ko sa mga bata (pati rin sa mga magulang) everytime na nagtatalk ako.

Enjoy po ito, Sama-sama po tayong nanonood at nagkekwentuhan habang naglalakbay papalapit kay Hesus.

 

Pray, hope, and don’t worry. Worry is useless. God is merciful and will hear your prayer.”
-St.Padre Pio

 

“For God so loved the world, that He gave His only begotten Son, that whoever believes in Him shall not perish, but have eternal life.”





“INAY”

15 03 2010
Play nyo po muna ito habang nagbabasa ng kwento.. favorite ko po itong song. :)


si nanay at si tutoy

Si nanay ehhh.. sya po yung taong palasimba at laging nananalangin at mapagmahal na ina..
sa tuwing nagsisimba at nagdarasal si nanay eh..
lage nyang sinasama si tutoy.. pinagpepray nya po lage si tutoy..
at itunuturo nya din kay tutoy kung pano magdasal, kung paano manalangin kay God..
yun yung nakagisnan nung bata hanggang sa paglake nya.. sumasale sya sa mga organization na may kaugnayan kay god…
sa pagkanta at pagtugtog.. lumake sya na may takot sa dyos..
ehh.. di lumake na si tutoy..

si tutoy at si nanay

dumating yung time na si nanay biglang nagkasakit..
so sympre si tutoy nagaalala.. so.. dinala nila sa ospital si nanay..
yun lage syang nagpepray kay god na sana pagalingin nya si nanay nya.
everytime na nagdadasal sya napapaiyak sya..
bago sya pumasok sa office.. dumadaan sya sa simbahan para magdasal..
at bago rin sya umuwi dumadaan din sya sa simbahan para manalangin…
araw araw yun ganun ginagawa nya… so lage-lage nyang sinasabi yun kay god pagalingin si nanay sa sakit,..
araw araw nyang kinukulit si god.. kahit sa pagseserve ni totoy lagi nyang ino-ofer si nanay nya..

Then.. hindi rin nagtagal sa ospital kinuha napo ni Lord yung nanay nya.. :’(
bagama’t may lungkot syang nararamdaman sa kanyang puso.
he’s still happy and strong, in-accept nya ang malungkot ng pangyayaring yun..
why? kasi nakakapit sya kay God.. na alam nyang gagabayan pa rin sya ni Lord
and happy sya kasi hinayaan nya kung ano gusto at plano ni God para sa kanila..
so ganun ginawa ni tutoy..

at si tutoy po na yun ay ang lalake pong nakatalikod sa header.

sumakabilang buhay po si nanay nung 2006 july, friday po yun…
at nung time napo na yun nasa office po ako..
yung sister at tatay ko umiiyak na tumawag sa cellphone ko po,
napumunta na raw po ako sa ospital kasi baka dko na po maabutan si nanay..
kinausap po ako nung isang bestfriend ko po dun sa office at pati boss ko pong mabait pinayuhan nila ako..
at yun po nagout ka agad ako sa office.. nasa fx akong namumugto mga mata papunta sa hospital..
bigla pong nagtext si tatay nang nakalungkot na word

“wala na nanay mo..”:’(

nanlumo ako at tumawag si tatay bigla sa aken at sabi nya na wag na raw akong tumuloy sa hospital wala na raw akong aabutan,
nalungkot ako wala man lang akong nasabi sa kanya before mawala ang nanay..
(dko man lang nasabi sa kanya mahal na mahal ko sya, na salamat po sa lahat.)
then yun din yung araw na aakyat na kame ng tagatay for HJM Singles Encounter Service..

at yun nga me nagtext sa akin isang ka singles mate ko po kung nakapagprepare na raw bako?
kasi maya maya konte aalis na kame..

then nagaalinlangan ako.. at naiisip kung tutuloy po ba ako sa encounter or hindi napo magstay na lng ako..
pero naisip ko rin po na before po mawala si nanay eh.. nakapagpaalam pa ako sa kanya at kay tatay na aakyat po ako sa tagaytay at
pinayagan po nila ako kasi marriage encouter po sila before..
so ayun po.. nagantay pako ng kaunting oras para maantay si nanay at masilayan man lng po before ako umakyat for singles encounter..
pero sinabi po sa akin ni tatay na bukas paraw dating ni nanay..
kinausap ko muna tatay ko sabi ko..

“i-pagpray ko po sya habang nagserve ako dun”

so hindi naman nagsalita ang tatay ko.. at dumating yung ka s.e. mate ko
at nagulat ano nangyare nasabi ko po sa kanya nangyare sa nanay ko at pinagdecide nya ko kung aakyat parin po ba ako..

at sinabi ko po na tutuloy ako..

at nagbilin din sa kanya na wala po syang pagsasabihan na kahit sino po sa ka-singles po namen ang nangyare sa nanay ko po…
then umalis na kami..

umakyat po ako sa singles encounter.. nang parang walang nangyare..
nakikipagbiruan, nakikipagasaran.. deep inside tahimik at lumuluha ang puso.

habang andun ako sa tagaytay, after ko tumugtug
dumidiretso napo ako magisa ng vigil room to pray my mother..
ganun ginagawa ko lage..
wala akong balak sabihin sa music group or sa buong singles community yung nangyare sa nanay ko..

except sa isang kasabay ko na sumundo sa akin at kasabay ko umakyat..

pero nung time na nasa vigil ako (saturday night) kasama mga iba pang singles, hindi ko po napigilang umiyak habang nagdarasal..

“bakit nya kinuha agad si nanay?”
“bakit po..?”
“bakit..”

at nasabi ko na sa kanila sumakabilang buhay palang si nanay kahapon (friday)
at hindi ko pa sya nakikita kasi saturday morning pa dating nya..

that time alam narin pala ng iba nangyari sa nanay ko.. (dahil sa kasabay ko)

tinatanung nila ako..

“gusto mo ba umuwi?..”

marami naghikayat sa akin na bumaba.. but,

i decide to stay kasi kaya nga ako umakyat.. para pag dasal po si nanay at magserve na rin kay Lord.

so.. hindi nila ako pinilit.. at tinawag po nila iba pang mga kasama para po ipagpray po yung nanay ko nung time na yun.

i’m happy kasi hindi lang po ako yung nagpray para sa nanay ko kundi buong community sama sama kami..
they help me to pray for soul ni nanay..

at hindi lang po sila nagpray after nung encounter bumaba kami at tumuloy po sila sa bahay kung san po naka burol si nanay
at sinama din po nila si father for funeral mass..

although malungkot, very thankfull pa rin po ako sa nangyare mostly kay Lord.

I didnt expect na ganito mangyayare, marami makikiramay sayo sa lungkot mo.

I know na masaya na sya ngayon sa piling ni God.

Sa langit na walang hanggang kaligayahan.

“But seek ye first his kingdom, and his righteousness; and all these things shall be added unto you.”





Isang sulyap sa nakaraan..

3 03 2010

“Pag may Tyaga me nilaga samahan mo lang ng dasal.”

 
Isang napakaikling kwento para sa mga mahilig magbasa ng blog, Life Story ng isang batang mahiyain. Tawagin  na lng naten sya sa pangalang TUTOY. ^^

nuong ipinagbubuntis pa lang si tutoy ng kanyang ina merong dumating na swerte sa kanila pamilya.
naka Jackpot Prize (malake daw parang nanalo sa cash or bukas ng wowowee..)
ang kanyang ama sa isang hilig na hilig nang mga taong walang trabaho at tambay ang tumaya sa KARERA (nagkalat sa lugar namen ito) nakajackpot prize!! so sabi ng tatay ni tutoy sa nanay na buntis

“ang swerte naman ng anak naten, me hatid na swerte naka jackpot tayo”
 
Si tatay ay di naka tapos ng pagaaral pero madiskarteng tao (isa na syang Photo/Journalist)
Si nanay  naman ay plain housewife, madasaling ina.(sa langit napo sya.)
 
nung naipanganak na si Tutoy. inalagaan ng mabuti dahil swerte nga raw yung bata na yun.
at lumaki si tutoy nakasa-kasama ni nanay palage kahit saan..
sa pagsisimba, pagdarasal at pagsamasama sa mga religious organization. 

dumating din yung time na nagkaroon ng sakit si tutoy. nagkaroon sya ng malubhang sakit (broncho pneumonia).
laging pinagdadasal ni nanay si tutoy na sana gumaling sinasama nya lagi sa church si tutoy para magsimba.
dumadaan sila lagi kay santo ñino. pinagdadasal kay nino hesus na pagalingin si tutoy.
lagi silang dumadaan sa church para magsimba. laging nakikita ni tutoy ang mga pari na nagmamass.
na halos nakakabisado nya na mga ginagawa ng pari tuwing mass.
na minsan nadadala sa bahay nila at naglalaro sya kasama kapatid at pinsan nya ng simba-simbahan. (misa-misahan)
si tutoy ang pari. pinsan at kapatid nya naman mga parishioners nya.
bumibili pa si tutoy ng marie na biscuit dati (50cent lang yun nahalos kasing laki ng 5peso coin ngayon.)
yun yung ginagamit ni tutoy na tinapay sa laro nila.

Then si tutoy bata pa lang na expose na sya sa mga art (Idol nya kasi kuya nyang ARTIST sa langit naren)
 yung art clay, minumold nya at makakagawa sya ng santo nino. at yun yung gagawin nyang altar sa likod pag nagsisimba-simbahan sila. yan naging laro nya nung me sakit sya dahil d sya pwedeng magpagod. 

At gumaling nga si tutoy sa kanyang sakit dahil sa walang sawang pagdarasal, pagmamahal at pagaalaga ng kanyang ina.

Naging unang teacher narin ni tutoy si nanay.
tinuruan ni nanay si tutoy magpray, gumalang sa nakakatanda,
tumulong sa mga nangangailangan, ang magbigay kung anu meron.
Laging humingi ng tulong kay Ñino Hesus pag nahihirapan.

Ang unang natutunan nyang prayer ay ang ANGEL OF GOD.
so.. everyday yun ang dasal ni tutoy sa school man or sa bahay.
Di lang tinuruan ni nanay magdasal si tutoy.
kundi isinali nya rin si tutoy sa mga religious organization.
sinali din sya sa Sunday School ng Missionaries of Charity.. nakung saan mga madre yung mga nagtuturo.
medyo nung una mahiyain si tutoy nung na expose na sya palagi, nagiging palakaibigan at makulit narin. hanggang sa sya na yung pinapaiwan ng madre dahil kakausapin.
kasama nya na palage tuwing sunday ang mga madre. marami syang natutunan at lagi syang nabibigyan ng regalo galing sa mga madre.(first bible)
 
lumaki me takot sa Diyos si tutoy.. although makulit at nababarkada still me takot sya sa diyos at nagdarasal parin sya.
naging Boy Scout si tutoy. (2 badge na lang maabot nya na yung mataas na rank sa Boy Scout.)
nasali sa knight of the altar..
naging batang charismatic..
at ang hilig nya sa pagguhit ang naging libangan nya. (sideline pa ^_^)
nakasali sa mga Art Group.isa pa. 
sumasali sa mga art contest (nananalo naman ^_^)
Sa music band
isa pa. computer/arcade games addict..
 
hanggang nagcollege dahil nakahiligan ang pagguhit.. pumasok at nagaral sa mundo ng mga sining. naging Pintor sya (pati bahay).
ngunit dumating ang krisis sa pamilya, hindi puro saya.. nahirapan na magaral si tutoy.. at hindi nya natapos ang pagiging pintor nya. (frustrated painter).
 
Naging tambay si tutoy, hindi nakapagaral..  ung time na natigil sya sa pagaaral sa kolehiyo dahil sa krisis.. ang ginawa nya nung time na yun, nagseserve sya bilang isang choir member sa isang parokya.

Sa pagseserve nya me nakilala syang isang taong napakalapit Kay HESUS..
dahil sa kanya, unti-unti nyang nakikilala at napapalapit sya kay Hesus. at nung time na yun naging close sila, naging magkaibigan sila at kasa-kasama si tutoy sa pag-Evangelize ng kaibigan nya tungkol kay HESUS..
at nasasabi naren ni tutoy yung mga problemang dumarating sa buhay nya.

At isa na nga run yung gusto nya ulet makapagaral kahit habang nagtatrabaho, so.. sabi sa kanya nung kaibigan..
Sige ihiling mo lang yan kay HESUS.. ipagdasal mo lang sa kanya na makapagaral ka ulet..

So.. one time magkakasama sila, sinama si tutoy ng kaibigan nya na magserve..
at nagulat si tutoy ng ipakilala ng kaibigan nya yung isang pari nanaghahanap nang isang taong makakatulong sa kanya at gusto ring magaral.

nung time na yun.. nung nasabi sa kanya.. di na sya nagdalawang isip na umo-o sa ino-offer nung pari sa kanya.. at that time after school mass. umuwi agad sya.. diretso sa loob ng kwarto at kinuha na yung mga damit at saka nagpaalam sa parents nya…
 
“dnapo ako muna titira dito for how many years… kasi sasama nako sa pari para ako magtrabaho at pagaralin”.
dna nila ako pinigilan kahit shocks sila sa nangyari at walang masabi.. malungkot pero kelangang tiisin..
 
sumama na sya sa pari, buo na yung decision nya na makapagaral muli..
bago sya umalis hinabilin sa kanya ng kaibigan at lagi nyang inaalala yung laging sinasabi sa knya..

“HUMILITY IS THE BEGINNING OF WISDOM”.
“Tulungan mo muna sarili mo.. gusto mo makatulong di ba? so magaral ka mabuti dun,
magtapos ka para makatulong ka pagnakapagtrabaho kana, makakatulong ka rin sa iba..”
lagi nakatatak sa isip nya yung sinabi sa kanya yun..
at nung umalis na nga sya kahit mahirap sa kanya dahil kelangan nyang iwan ang kanyang pamilya,
mga kaibigan mga mahal sa buhay para sumama sa pari, sa medyo me kalayuang lugar..
para muling makapagaral at mabigyan nang pagkakataon na mabuo ulet ang pangarap nya sa buhay.

At nung nasa simbahan na sya kasama nung pari.. dun tumutulong sya sa pari nagtatrabaho sya.. habang nagaaral..
ang ginagawa nya sa araw araw eh. ang maglinis ng simbahan magisa. magpunas ng bangko magisa..
gumising ng maagang maaga para magprepare para sa misa.
nagbubukas at nagsasara ng pinto ng simbahan.
nagvolunteer na tumugtog sa simbahan pag walang choir.
naging altar server din sya pag walang mga sakristan.
nakikisama, nakikipagusap, nakikibagay sa mga tao sa simbahan kahit di nya kakilala.

nagfafasting din sya, nagpupuyat kahit me exam.
nagkukumpuni rin sya ng mga sirang gamit na magagamit pa.
naggugupit at nagdidilig din ng damo at halaman.
nagaagiw at naglilinis ng cr. nagbibilang at pinapahawak at taga tago sa kanya ang mga collection ng simbahan.
kinukumpleto ang simbang gabi at simbang madaling araw. naging all around maintenance ng simbahan si  tutoy.

Isa sa magandang pangyayari sa buhay nya ay bigyan sya ng pari ng allowance nya.
sa halagang P500.00 na binibigay sa kanya nung pari pinagkakasya nya yun sa sarili nya sa loob ng 15 days.
pamasahe at pagkain nya pagpumapasok sya sa school.
imagined 500 lang binibigay sa kanya for 15 days at
wala syang ibang malalapitan dahil malayo nga sya sa pamilya Kung sakaling nagshort sya sa kanyang allowance.
ginagawa nya pinagkakasya nya yun. After nyang pumasok galing school tumatakbo na sya pauwi sa simbahan.
pagdating sa simbahan dipa sya nagtatanggal ng kanyang uniform nasa sound system na sya..
para i-on ang sound system at play ang tape na angelus ng exactly 6 o’clock.

after nya mag-angelus magpapalit lang sya ng damit at magpupunas na sya ng bangko’ at maglilinis ng simbahan.
magpe-prepare ng mga gagamitin para sa next mass. at dun din sya nag debut sa simbahan.
everyday ganun ginagawa nya.. napupuyat sya kahit alam nyang kinabukasan me exam sya..
kinakaya nya mga gawain kahit pagod na sya at kelangan pang magreview, na halos wala ng time para makipag Bondingan sa mga classmates nya.
Hindi nya na na Enjoy kung gaano kasaya gumimick, Manood ng sine kasama ng mga classmates nya. O sumama man lang sa Field Trip ng School nila..
Dahil inaalala nya ang work nya kahit alam nyang requirements sa school nila yun.. nag papa special project sya para di nya mapabayaan ang work nya.
Kahit alam nyang enjoy at masaya makijoin sa collegelife.. Na Halos wala ng SOCIAL LIFE..

Pero Hindi nya Pinansin ang hirap, tiis, pagod at sakripisyo..
Nagtiyaga sya, inaalay nya yun Kay God dahil.. di lang sya nandun para makatapos ng pagaaral kundi ang magserve na rin ng buo para kay God.

 
Hanggang dumating yung time na nakagraduate sya. at nakapagtrabaho..

Isa naring Franciscano.
na tina-try maging mabuting tao pinipilit maisabuhay ang salita ng Diyos.

and still nagexplore pa rin kung ano ang ang tawag ng Diyos para sa kanya.
kasama ng mga mahal sa buhay at mga malalapit na kaibigan..

sama-samang naglalakbay habang nagkekwentuhan ng KABUTIHAN papalapit ke HESUS.
At sumulat sya sa Pari na tumulong at naghubog sa kanya.

 

****************************

 

Fr. James,

Padz?!.. Musta napo?!.. naalala nyo po ba ako?!.. si Tutoy po?!..

Naalala nyo po ba yung batang lumapit senyo humingi po ng tulong para makapgaral pong muli?!
naalala nyo rin po ba yung batang sinama nyo dinala nyo sa kumbento?!
naalala nyo po ba yung batang payat at walang muwang?!
 
naalala nyo po ba yung batang lagi pong naglilinis ng simbahan araw araw po?!
nagpupunas ng bangko’… naglilinis ng electric fan.. nagaayus ng gamit para sa mass?!..
nagpapalit ng  tabing.. nagaayus  ng altar.. nag-aagiw ng alikabok.. naglilinis ng cr..
naggugupit ng damo.. nagdidilig ng halaman?!.. nagaayus den po ng mga bulaklak sa simbahan?!..
nagliligpit ng mga monoblock after mass.. nagkukumpuni ng mga gamit na mapapakinabangan at magagamit pa?!..
naglilinis ng kulungan ni brava.. nagpapasyal kay brava sa buong hobart..

nagpupuyat tuwing my important events or gatherings sa simbahan.. habang nagaaral..
gumagawa ng project.. gumagawa ng thesis..
yung batang wala napong time sa social or enjoying college life. with friends and classmates..
nagpupuyat din po tuwing simbang gabi?! nagaayus po ng mga x’maz light at kung anu-ano pa nung b4 mag x’maz?!..
naalala nyo rin po ba yung batang minsan binigyan nyo po ng gift nung pasko towel  po..
naalala nyo po yung batang dyan po sa simbahan n nagdebut… at pinaghanda nyo po ng food.
yung batang laging nakahanda pag katinatawag nyo po yung pangalang “dict”.

naalala nyo po yung batang sumabak din sa choir.. nagserve sa mass at binyag..
pati naren po sa mga haws blessing?!.. at sumusundo sa mga guest priest..
naalala nyo po ba yung batang nagkikipagusap, nakikisama at nakikibagay sa ibat ibang tao nakakasama at nakakaharap  nya sa simbahan?!..
nalala nyo po ba yung batang binibigyan nyo po ng allowance?  binigyan nyo po ng pangtuition fee?!
yung batang pinakikita po yung class card nya po after the sem?!

yung batang ang daming nakilalang tao sa simbahan at naging kaibigan?!
batang nakukumpleto lahat ng simba sa loob ng isang linggo?! at lumalampas pa.
naalala nyo po ba yung batang nakumpleto ang simbang gabi at simbang madaling araw?!
yung batang pagdating ng 6pm nasa sacristy napo and nagangelus..
naalala nyo po ba yung batang nagbibilang din po ng collection pagwalang nagbibilang?!..

naalala nyo rin po ba nung ash wednesday and Good Friday?!.. nagfasting sya  habang nagwowork?!.. 
naalala nyo po ba yung batang maraming naging kaibigan sa Jesus, Lord of Divine Mercy?!..
yung batang inaalala yung pamilya…
yung batang nagtyaga..
 
at higit po sa lahat yung batang inaruga nyo po at pinagaral?!..
at nakatapos po ng dahil kay GOD..
at nagpapasalamat po ng marami sa panginoon dahil po sa ginawa nya pong instrumento si Fr. James upang makatapos
po yung batang nangangarap makatapos ng pagaaral at makapagtrabaho po..
yung batang  d nyo po panghihinayangan paaralin…
 
at higit po s Lahat sumulat po senyo upang balikan nya po yung nakaraan nya nung nasa JLDMP pa po sya..
at nahubog po ang sarile at madameng natutunan?!..
at nagpapasalamat po ng marami kay Fr. James..
Lalong lalo napo kay God..

ngeon po Fr. James yung batang tinulungan nyo po.. nagwowork napo..
bukod po sa my magandang work.. nagseserved paren po kay GOD..
sumali sa isang prayer community and naging part ng Music Ministry ng Youth..
Base Guitarist na sya ng Singles Music Ministry.
 isang Youth Speaker and nagshe-share ng mga naexperience na gawa ni God..
isa naring Franciscan
at patuloy pong nagsisikap.. at makatulong po sa ibang tao..
na balang araw nangangarap na maraming matulungan..

at patuloy pong pinagdadasal kayo at hindi malilimutan hanngang sa pagtanda ang lugar at ang mga taong tumulong sa kanya..
natutuwa dahil sa ganitong experience.. kakaiba challenge.. nagwowork, nagaaral at nagseserved para kay GOD!.. 
 
at laging nagpapasalamat paren haggang ngeon sa Panginoon..

Salamat po Fr. James..
Salamat po sa Hobart..
Salamat po sa Jesus, Lord of the Divine Mercy Parish (JLDMP)

Higit po talaga sa Lahat Kay GOD! JESUS, LORD of the DIVINE MERCY!.. ALLELUIA!..

AVE MARIA.
 
 -tutoy  

**********

 
 Yan po pala ang kaunting highlight ng buhay ko..(kaunti lang yan, hihihi..^_^ )
 namimiss ko po lahat ng mga gawain ko dun sa church hanggang ngeon.
 minsan pag nagkekwetuhan kami mga kaibigan ko mga malalapit..
 Ang sarap balik-balikan yung mga experience na katulad ng ganun na di mo inaasahan sa buhay mo,
 na isa sa pangarap mo eh.. matutupad.

 

 
  THANK YOU SO MUCH LORD.
 

 

Humility is the beginning of wisdom and knowledge.
have wisdom and knowledge you will also have understanding.
and if you have understanding.. you will find LOVe.
in Love there is God.
and..
God is Love.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.